San Guido Conforti at ang kabataang Pilipino

San Guido Conforti at ang Kabataang Pilipino

By Fr Aldo, sx

Hali ka na pare, at magkuwentuhan tayo! Huwag ka sanang magulat dahil ang kausap mo ay isang santo. Sa totoo, tao na rin ako at alam mo ba, noon nabuhay pa ako sa mundo hindi ko talaga alam na ako ay isang santo. Nakatuwa talaga ako noon nalaman ko ang aking tunay na identity dahil hangad ko talaga maging santo. Mabuti pa at hindi ka natatakot ni tumakas, kaya umupo tayo at magbabahagi ako sa iyo nang konti tungkol sa aking mga karanasan sa buhay.

Medyo matagal na akong namatay sa edad ng 65 y.o. That was the year 1931. Para sa aking, ok naman iyon kasi siguro nakahanda na ako para sa oras na iyon. Sa bagay, ako’y naging isang Obispo at maayos na naman ang kalagayan ng aking Diocese. Dalawang taon bago ako namatay ay nagpunta ako sa China at simula noon bumalik ako sa Italy, ang aking bayan, lagi naman masama ang aking pakiramdam hanggan sa pagdating ng aking oras. Nagulat talaga ako noon nakita ko ang napakaraming tao na dumalo sa aking burol at noon din narinig ko for the first time na may nagsasabi: is this the funeral of a man or the triumph of a saint?

Para sa aking, ang pinakahalagang bagay sa buhay ay ang aking pagiging banal. Hindi ako makakadescribe ang aking nararamdaman at siguro walang karanasan higit na maganda kaysa mabatid na ang buhay ng tao ay ganap. At wala akong duda na ang aking buhay ay naging ganap pati na rin sa tingin ng Diyos.

Kung tatanungin mo ako kung ano ang sekreto ng aking kabanalan, sasabihin ko sa iyo na ito ay nangyari dahil sa aking pag-uugnay sa Diyos. Nagkaroon ng ibang kahulugan ang aking pag-uugnay sa kanya noon bata pa ako.  Minsan, bago pumasok sa paaralan pumasok ako sa isang simbahan at huminto akong saglit sa paanan ng isang malaking crucifix. Habang tumitingin ako kay Jesus nakapako sa krus, parang tumitingin din siya sa aking at hindi ko malilimutan ang karanasan na iyon. Ilang beses bumalik ako doon at nagtingnan kami ni Jesus, parang marami ang kanyang sinasabi sa pamamagitan ng kanyang pagtitingin sa akin.

Samantala, marami akong natutunan mula sa karanasan na iyon sa crucifix.  Doon ko narealize kung gaano kalaki ang pagmamahal ng Diyos sa buong sanlibutan. At kung paano minamahal ng Diyos ang buong mundo, minamahal din niya ako in personal way. Napansin ko rin na tuloy sinasaktan ang Diyos sa krus, hindi dahil tatlong pako, kundi dahil sa milyong milyon na taong sinasaktan dahil sa presensya ng kasamaan sa kanilang buhay, sa kanilang kultura, sa kanilang lipunan o simply dahil hindi nila pinapansin ang presensya ng Diyos. Nabatid ko na rin noon kung gaano karami ang mga taong hindi nagkilala sa Diyos, hindi dahil sila ay masama, kundi dahil hindi talaga nila alam kung sino ang tunay na Diyos; walang nagturo sa kanila na, sa katunayan, sila ay anak ng minamahal na Poon Maykapal.

Buti pa’y dumating sa aking mga kamay ang isang libro tungkol kay St. Francis Xavier. Noon nalaman ko ang kaniyang mga gawain bilang missionary at ang kanyang lakas loob para mangaral tungkol sa Diyos, siya ang naging ang aking hero agad; gustong gusto ko siya gayahin. Gusto ko sana tuparin ang kaniyang pangarap ng pagpapahayag ng Ebanghelyo sa buong China. Pero wala na rin katapusan ang mga hadlang sa aking pangarap na ito. Wala akong duda na sa paanan ng krus tumanggap ako ng isang bokasiyon upang maging misyonero, pero unting unti naintindihan ko na ang vocation na ito ay dapat matupad hindi ayon sa aking kagustuhan, kundi ayon sa pamamaran ng Diyos.

Sa pamamagitan ng mga iba’t ibang pangyayari sa buhay, naging klaro ang plano ng Diyos para sa aking. Huwag sana akong umalis para maging missionary sa ibang bansa, pero ang aking talent at mission ay nasa pagtuturo at paghahanda sa mga kabataan  upang isugo sila nang marami sa mga “bukirin ng Panginoon,” sa iba’t ibang dako ng mundo. Kaya bilang isang priest, tapos as a bishop at bilang founder ng Xaverian Missionaries, lahat ng aking mga ginawa ay ginawa para sa Mission at dahil sa pagmamahal sa Diyos na natatagpuan sa lahat.

Sinabi ko kanina na pumunta ako sa China. Alam mo ba kung bakit? I went to visit the missionaries that I had formed. Noon nakita ko sila, nakikita ko rin ang pagtutupad ng aking pangarap. Sinabi ko “Lord, pwede na ako kunin.” Pero sa totoo that was just the beginning of the Mission. Tuloy-tuloy ang Misyon at hindi ito matatapos hanggang may taong hindi nabubuhay bilang miyembro ng isang pamilya buklod sa pagkakaisa. I did my part and will continue doing it.

Noon nabuhay ako sa daigdig, masipag lagi ako sa paggawa na may ugnay sa Mission katulad ng paghahanda at pagbibigay ng formation para sa mga kabataan upang maging banal na misiyonero sila. Ngayon na santo na ako, tuloy-tuloy ako kumakatok sa puso ng mga kabataan upang sila rin ay matutong makipagugnay sa Diyos at magpahayag ng kanyang kagandahang loob sa lahat ng bansa bilang misiyonero.

Salamat sa iyong pagkikinig at tandaan mo ang mga salitang ito: lumalapit ako sa iyo hindi upang humingi ng tulong na pinansyal, kundi upang magbigay ng isang makabuluhang mungkahi. Kung ipagkakaloob ng Diyos at kung sa palagay ninyo ay karapat-dapat, sa ngalan ng Panginoon, hinihiling kong ihandog ninyo ang inyong sarili, ang iyong kaalaman, ang iyong lakas at ang iyong pagmamahal na higit sa nararapat. Kung gusto mo malaman pa tunkol sa Misyon o tungkol sa iyong bokasyon, puwede kang lumapit sa aking mga anak – the Xaverian Missionaries – na nandiyan sa Pilipinas. Hali ka na! With God’s grace we can transform the world into a place where there is unity, justice and peace; a place where people, in spite of the differences, live as if there were just one big family – in Christ.

Leave a Reply